“Kahit na nadapa tayo, kailangan nating bumangon”

Dubai—Kasabay ng mga grumaduate sa International Diploma Course na HR Management mula sa Filipino Institute-Rigga kahapon ang 28-years old na si Claudette Mae Maglanque. Mula siya sa Valenzuela City, Manila at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang HR Coordinator sa Abu Dhabi.
Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kaklase, isang solo parent si Claudette.
16 years old siya nang unang magkaroon ng anak.
“Maaga akong nagka-anak so parang naging hindrance [‘yun] para i-continue ko yung studies ko. Kasi kailangan kong maging responsible para sa kanilang dalawa,” kwento ni Claudette.
Pero sa tulong ng Filipino Institute, muling nabuhayan ng loob si Claudette para maabot ang kaniyang mga parangap.
“Gusto ko talaga na marami akong matutunan at i-a-apply ko ‘yun para mas umangat pa,” sabi niya.
Sa kaniyang pagtatapos, marami raw siyang napagtanto. Isa na raw dito ang kahalagahan ng patuloy na pagsusumikap na matuto.
“Ngayon ko lang na-realize na napaka-importante ng pag-aaral, dahil kagaya ko inuna ko yung mga hindi importanteng bagay, though blessed pa rin ako to have my 2 kids. Pero ito yung panghahawakan natin panghabambuhay para lalo nating ma-achieve kung anong dreams natin,” ani Cluadette.
Pinarangalan bilang Top 1 sa kaniyang klase si Claudette at isa siya sa mga nabigyan ng pagkakataong magbigay ng talumpati sa lahat ng graduates.
Panoorin ang live stream ng kanilang graduation ceremony:
Bukod sa pagpapasalamat sa FI sa lahat ng kaniyang mga natutunan, baon niya rin daw sa pagtatapos ang lahat ng ala-ala kasama ang kaniyang mga kaklase na may kani-kaniya ring kwentong nagbigay inspirsyon sa kaniya.
Sa ngayon, mag-isang tinataguyod ni Claudette ang dalawa niyang anak na 11 at 8 years old na. Payo niya sa mga kagaya niyang single mom:
“Never stop believing in yourself. Kailangan kahit na nadapa tayo, kailangan tayong bumangon. Lalo na yung mga [humuhusga] sa atin, let’s show them na hindi ‘yun [dahilan] para i-down natin yung sarili natin. Kailangan the more na binababa nila tayo, mas lalo nating tinataas ang sarili natin. Let us be proud of ourselves, not tomorrow but every day.” Dagdag pa niya, nagkaroon pa raw siya ng kumpyansa sa sarili na makaabot ng mas marami pang pangarap para sa buhay hindi lamang para sa kaniyang mga anak kundi para na rin sa kaniyang sarili.
Watch the graduates perform in the live stream video below:
Tag:Filipino