“Bunso po ako pero breadwinner rin ako”
Watch Maricon Balat’s story here:
Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, napilitang mag-ibang bansa ang 25 yrs old na si Maricon Balat mula Oriental Mindoro. Tiniis nya ang mawalay sa pamilya, para lang masigurong maitaguyod ang mga magulang at mga kapatid. Bunso siya sa 5 na magkakapatid.
Hindi raw madali ang lahat. Maraming beses, naisip nya nang sumuko. Pero bandang huli, nanaig ang kagustuhan nyang magtagumpay sa buhay.
Isa si maricon sa mga grumaduate sa course na Caregiving noong September 13. Nag-iipon sya ngayon para matupad ang pangarap na makapunta ng Canada.
Gaya ni Maricon, walang pangarap, ang mahirap.
Dahil sa FI, kaya ko, kaya mo, kaya natin to!